Wednesday, September 25, 2013

Ako Ako Ako (Part 1)

   Jomel dela Cruz- pangalang ibinigay sakin ng magulang ko, nagmula sa pangalang Jose at Emilia, ipinanganak ako sa Lias, Marilao, Bulacan taong 1982.

Sino nga ba ako? alam ko ang pangalan ko, mula noong bata pa ako, madalas itinuturo sa akin ng mama ko kung pano isulat to sa papel, pero di naman yun ang ibig kong sabihin, sino ako? as in sino ba talaga ako???

Laki ako sa bukid, malayo sa labasan or mga kamag-anak na ang pagitan ay mga naglalakihang puno ng kawayan na pag madilim ay sobrang nakakatakot dahil sa mga hugis ng puno ng madre kakaw at mga punso sa daanan, laruan ang mga matataas na dahon ng palay at talahib, dayaming pinagtutumpok tumpok hanggang sa maging parang isang bundok, mga kuliglig na nakukuha sa puno ng kalyos, makipaghabulan sa mga kalabaw at bakang laging galit pag nakakakita ng kulay Pula, at umakyat sa mga puno para makakuha ng kahit na anong bunga. Madalas kalaro din ang mga bata sa aming kapitbahay na sa isang bahay ay may 4-5 pamilyang magkakamaganak, madalas mag-isa ako dahil wala naman akong makalaro minsan dahil wala namang batang lalake sa amin para makasama mo sa mga laro, sa madaling sabi, ako lang talaga yata ang bata noon.

Natatandaan ko pa na wala din ako makalaro sa mga laruan na binibili ng mama ko sa akin, mga robot na may TV sa dibdib at missiles sa bandang ulo, mga yoyo na may tatak na Sprite, Coke, Fanta atbp. at mga pang bukid na laruan gaya ng siyato at tsinelas para sa larong poway, madalas din pumutol ng letter V na sanga ng bayabas para gawing tirador kahit di ko naman alam gumamit, or maglaro ng goma para gawing panira sa kung ano-ano, sa madaling sabi, simpleng bata lang ako noon.


itutuloy.........